“
Pagiging
Isang Inhinyero
”
Bago
pa man tayo nakatuntong sa kolehiyo, lahat na tayo ay nagkaroon ng
mga pangarap at mithiin sa buhay, at isang hamon sa atin ay ang
pagpili ng linyang ating papasukan. Naging napakalaking desisyon din
sa buhay natin ang pagpili ng kursong kukunin sapagkat dito
nakasalalay ang ating magiging kinabukasan. Sa panahon ng ating
pagdedesisyon ay ang paglitaw ng mga katanungan sa ating sarili kung
ano ang magiging bunga kung tayo'y nakatapos na sa kursong napili. At
pagkatapos ng masinsinang desisyon nandito tayo sa isang sikat na
eskwelahan upang tuparin at aralin ang ating napiling kurso. Ang
maging isang INHINYERO.
Inhinyero,
Taga plano ng bahay, kalsada at iba pang establisyemento, taga ayos
ng elektrisidad, matalino sa matematica at malaki ang sahod; mga
karaniwang sikat na bansag sa isang inhinyero na nagiging gabay sa
mga kabataan sa pagpili ng isang kurso. Ngunit sa likod ng mga bansag
na ito ay mas malalim pang kahalagahan ng isang inhinyero sa buhay ng
tao, sapagkat ang mga inhinyero ay bahagi ng araw-araw na buhay ng
isang tao dahil sa napakalaki nitong kontribusyon sa isang
indibiduwal at sa ekonomiya ng bansa.
Inhinyero ay may ibat-ibang sangay upang matustusan at maibigay ang serbisyong kinakailangan ng tao sa ibat ibang bagay. Isa na dito ang kemikal engeenir.Sangay ng inhinyero na pangkimika o chemical engineering, isang sangay ng inhinyero na naglalapat o gumagamit ng mga agham na pisikal kasama ng matematika at ekonomiks sa mga proseso na nagpapalit ng mga hilaw na materyal o mga kimikal upang maging mga anyo o pormang mas nagagamit o mas mahalaga.
Bilang
karagdagan, ang makabagong mga inhinyerong pangkimika ay nagbibigay
din ng pagtuon sa pagpapasimula ng mahahalagang mga materyal at
kaugnay na mga paraan - na kadalasang mahalaga sa kaugnay na mga
larangang katulad ng nanoteknolohiya, mga selulang panggatong, at
inhinyeriyang biyomedikal.
Sa
loob ng inhinyeriyang pangkimika ay nabibilang ang dalawang malawak
na mga kabahaging pangkat: Ang pagdidisenyo, pagmamanupaktura, at
pagpapatakbo ng mga planta at mga makinarya sa mga prosesong
pangkimika na pang-industriya at kaugnay pang mga proseso (mga
"inhinyero ng prosesong pangkimika") at ang paglikha at
pagpapaunlad ng bago o inangking mga sustansiya para sa mga
produktong sumasaklaw sa mga pagkain, mga inumin, mga kosmetiko, mga
panlinis, at mga sangkap na parmasyutikal, sa pagpili ng marami pang
ibang mga produkto(mga "inhinyero ng produkto ng kimika").
Isa ito sa apat na sangay ng “Engineering”. Sa kursong ito pinag-aaralan ang iba’t-ibang proseso sa planta, pagdidisenyo ng planta at prosesong kailangan sa paggawa ng mga produkto.Isa rin ito sa apat na sangay ng engineering ang may kakaunting numero ng estudyante. Ang “Chemical Engineer o Inhinyehirang Pangkimika” ay isang propesyon kung saan ito ay bahagi ng industriyang kemikal. Bilang bahagi ng industriyang ito, ang “Chemical Engineer” ang responsible sa paggawa ng mga produkto galing sa iba’t-ibang materyales, paggawa ng mga disenyo at operasyon sa planta, at ang pagpili ng makinang gagamitin sa produksyon.
Ang
mga “Chemical Engineer” ay aktibo sa mga planta at isa sa
maaaring gawin ng mga ito ay pagpapabilis ng produksyon ng mga
pangunahing pangangailan na gumagamit lamang ng murang halaga ng
paggawa. Sa pamamagitan nito hindi ganoon kalaki ang itataas ng mga
presyo ng bilihin dahil sa dami ng produktong nagagawa at sa murang
halaga ng paggawa. Ilan lamang ito sa mga hinaharap nating problema
na maaring solusyunan.Maraming bagay ang hindi pa malinaw sa atin
kaya tayo ay nag-aaral. May mga taong nakakaimpluwensya sa mga
desisyong ating ginagawa. Sa una maaaring hindi natin ito gusto
ngunit sa kalaunan natutunan nating itong pag-aralan at magustuhan.
Lahat tayo ay may kakayahang magkaroon ng kontribusyon na
makakatulong sa bawat isa maging isang “Engineer” man tayo o
hindi.
Inhinyero
ito ay propesyong kinikilala at bukod na naitatanyag sa alin mang
propesyon. Ang pagkakaroon ng matinik na kaalaman sa matematica,
lohika, analisasyon, maparaang abilidad at sipag ay ilan lamang
pundasyon upang maging isang inhinyero.Inhinyero na magbibigay
serbisyo at kaunlaran sa kapwa tao. Ngunit ang pagiging inhinyero ay
hindi nababatay sa pagtupad sa trabaho ng propesyon, sapagkat ang
isang epektibong inhinyero ay may paninindigang magbigay serbisyo ng
tapat, pantay at may prinsipyo na maglingkod sa paraang nababatay sa
tuwid na etika.
Sino po ang author nito?
TumugonBurahinBest 10 Casinos in Las Vegas | MapyRO
TumugonBurahinCasinoCityLasVegasPocono 광주 출장마사지 · Luxor Hotel 순천 출장안마 & CasinoVegasPocono · 밀양 출장안마 Palace Hotel & CasinoVegasParis Casino & Veneuve 경상북도 출장샵 Las Vegas. 성남 출장안마